Friday, January 14, 2011

NAKAKAASAR!! HIRAP NAMAN NG GANITO..

Naaiinis ako!Naasar...hay ganyan ba talaga ang buhay..
3rd day of our school foundation. Umaga palang nagttxt na si Chi saken..


Chi: mornin.ui punta ka mamya sa Mr. and Ms. UA?
Ako: Di ko alam e...nasa bahay ako ngayon,wala ako sa boarding house.Tinatamad yata ako.
Chi: sige na punta ka na..pupunta si Hazel e.
Ako: di pa ko sure. Ttxt na lang kita pag pupunta ako,around 5:30pm pa naman yun.cguro txt na lang kita before mag alas kwatro.
Chi: ok cge,,last foundation na naten to. sulitin na natn.


Dahil ako lang magisa sa bahay nun at si tatay ay kasalukuyang nasa bukid, nanood na lang ako ng DVD's habang hinihintay sya, kasi expect ko paguwi nya bibigyan ako ng perang pamasahe, para makapunta sa school at makapanood ng pageant....pero iba ang nararamdaman ko=(


Around 4:00PM nagtxt si hazel..
hazel: Jes, wat tym k punta sa skul?
Ako: Di ko pa alam,wala pa si tatay.Hnhntay ko siya wala pa akong pamasahe papunta sa school.
Hazel: uhm..ganun ba?puntahan mo na siya.para makapunta tayo ng maaga sa skul.mag ra-rides pa tayo e.
Ako: hihintayin ko na lang siya.malapit ng umuwi un.


Makalipas ang isang oras. sa wakas umuwi na si tatay.:)
5pm na yun. hay,5:30 mag iistart ang pageant. hay late na ko.di pa ko nakaligo at di pa rin  ako binibigyan ng pera ni tatay.


Napagdesisyunan kong kausapin si tatay para bigyan na ako ng pera:
Ako: Tay,manonood ako ng pageant sa school, required kami punuta doon. magccheck sila ng attendance.
Tatay: (silence)
Ako: Tay aalis ako,wala akong pamasahe.
Tatay: wala akong pera, naubos nayung 2thousand na bingay ng ate mo.
Ako: Paano ako?di na ko pupunta?...
Tatay: e wala talaga akong pera. anong gagawin ko?


Nakakainis talaga kapag nasa ganitong scenario na kami ng tatay ko. Ayokong nagaaway kami ,lalo na kapag pera na ang pinaguusapan. Kasi sigurado, talo lang ako. Di ako bibigyan kapag wala syang pera, kahit umiyak pa ko sa harapan nya. Masakit ang loob ko kasalukuyan kase dapat nasa school ako nanonood ng pageant. Required naman talaga kaming manood kaso dahil walang pera si tatay di ko na pinilit ang gusto ko. Masakit man ang loob ko. Napaiyak pa ako kaninang kausap ko siya. Kahit anong pilit ko di niya ko binigyan.Napagtaasan ko pa siya ng boses. Pero wala din nangyari.
Ang hirap ng ganito...Naiinis ako. Naaasar sa mga ganitong pagkakataon. :(









PERS TAYM...: D

     PERS TAYM?.OO pers tym.Pers tym sa pagsulat ng blog.  hehe..Di ko nga alam anong isusulat ko. Madaming akong naiisip pero pagittype ko na, di ko na alam paano uumpisahan..This past few weeks na adik ako sa pagbabasa ng mga blogs. Ang gaganda kasi ng mga isusulat ng mga bloggers, mga kwento ng kanilang mga buhay, mga experience, mga memorable moments, mga kabaliwan, at mga kalokohan . In short Nag-enjoy ako. Naengganyo akong gumawa ng sarili kong blog. Ittry ko lang. 
     Sabi nila kapag may blog ka,para kang may sariling diary.Sariling mundo.Kahit ano ang ipost malaya ka. Totoo kaya yun?..Ewan.. di ko alam. Gusto kong subukan wala naman mawawala.: D